P1.4-M HALAGA NG MJ NASAMSAM SA BENGUET

marijuana

TINATAYANG nasa P1.4 milyon ang halaga ng marijuana na nasamsam sa bahaging bulubundukin ng Tacadang, Kibungan.

Ayon kay S/Insp. Marshall Valdez, hepe ng Kibungan Municipal Police Station, nitong umaga ay muling nagsagawa ang mga kinauukulan ng ope­rasyon sa Proper Tacadang, Kibungan na nagresulta sa pagkabunot at pagkasunog ng 7,200 piraso ng marijuana plants na nagkakahalaga ng P1.4-milyon.

Gayunpaman, sinabi ni Valdez na walang marijuana cultivator na nahuli.

Maaalala noong Biyernes lamang ay nagsagawa din ang mga awtoridad ng marijuana eradication sa siyam na plantasyon sa Sitio Lanipew at Sitio Tanap doon din sa Barangay Tacadang.

Nagresulta ito sa pagbunot at pagkasunog ng 27,350 piraso ng fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng mahigit P5.4-million.

Ayon kay Valdez, sa ngayon ay aabot na sa 80,000 piraso ng marijuana ang binunot at sinunog ng mga awtoridad na nagka-kahalaga ng mahigit P16 million mula sa sunod-sunod na marijuana eradication sa Barangay Tacadang noong Enero 2019 hanggang nitong Sabado ng umaga. REY VELASCO

Comments are closed.