CAVITE – KALABOSO ang binagsakan ng 17 narco traders makaraang makumpiskahan ng P1, 449, 680.00 milyong halaga na shabu sa isinagawang magkakasunod na buy-bust operation ng mga awtoridad sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan ito kahapon at kamakalawa.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 ang mga suspek na sina Armando Arca y Francisco, 52-anyos, ng Brgy. Talaba 3, Bacoor City; Rafael Adarayan y Quibenes, 44-anyos; Jasper John Adarayan y Estrada, 20-anyos; Alinader Alikan y Mamocarao, 36-anyos; Leo Bacay y Dichosa, 41-anyos; Jamal Imam y Alonto, 30-anyos; Gary Busante y Pagiridan, 42-anyos; Jordan Sanchez y Sunga, 39-anyos;
Base sa police report, nasakote si Arca sa Brgy. Talaba 3, Bacoor City kung saan nakumpiskahan ng P20, 400 halaga na shabu habang sina Rafael at Jasper ay nasamsaman ng P7, 480 halaga na shabu sa buy-bust operation sa Sitio Pasong Saging FVR sa Brgy. Poblacion 5, bayan ng General Mariano Alvarez.
Nakumpiskahan naman ng P1,360,000.00 halaga na shabu ang mga suspek na sina Alikan; Bacay at si Imam sa anti-illegal operation sa Brgy. Datu Esmael, Dasmarinas City habang si Busante naman ay nakumpiskahan ng 1.05 gramo na shabu na may street value na P7,140.00 sa Mindanao Ave., Brgy. Gavino Maderan sa bayan ng GMA.
Sa isa pang buy-bust operation sa Brgy. Niog 1, Bacoor City, nalambat naman sina Sanchez, Soraliza, at Tagle kung saan narekober ang P20, 400.00 halaga na shabu.
Maging ang mga suspek na sina Rodriguez, Javinal, Elpidio, Edward, Benjur at Gigi ay nasakote sa Brgy. Habay 2, Bacoor City kung saan nakumpiskahan ng P20,400.00 halaga na shabu.
Naaresto rin sa buy-bust operation ang suspek sa pagtutulak na si Cherry Anne sa Brgy. Mambog 4, Bacoor City kung saan nakumpiskahan ng P13, 600 halaga na shabu. MARIO BASCO