NANINIWALA si Deputy Ombudsman Cyril Ramos na maaaring nasa P1.4 trillion ang nawala sa gobyerno sa nakalipas na dalawang taon dahil sa korupsiyon
Sa kanyang talumpati noong Huwebes, gamit ang pagtaya ng 2017 United Nations Development Programme ay sinabi ni Ramos na ang corruption loss sa Filipinas ay katumbas ng 20 percent ng annual government appropriation nito.
Ang national budget ng pamahalaan noong 2017 ay ₱3.35 trillion, at tumaas ito sa ₱3.76 trillion noong nakaraang taon.
“This translates to about ₱670 billion and ₱752 billion computed lost to corruption in those two years,” ani Ramos sa National Summit on Crime Prevention of the National Police Commission event.
Paliwanag ng deputy ombudsman, ang tinatayang halaga ng corruption loss noong 2018 ay maaaring ginamit sa konstruksiyon ng 1.4 million housing units para sa mahihirap. Ayon sa Housing and Urban Development Coordinating Council, ang social housing cost ay nasa ₱500,000 kada unit.
Aniya, ang nasabing halaga ay maaari ring ginamit sa pagkakaloob ng medical o educational assistance sa may pitong milyong Pinoy taon-taon.
“There are many more ‘what ifs’ on what can be spent for ₱700 billion annually: modern hospitals, air-ports, schools, irrigation facilities, better salaries, decent housing, armaments, and so on,” dagdag pa ni Ramos. CNN PHILIPPINES