P1.5-B INILAAN SA PHASE 1 NG METRO MANILA SUBWAY

MAKATI SUBWAY SYSTEM

AABOT sa P1.5 billion ang pondong inilaan para sa Phase 1 ng 36-kilometer Metro Manila Subway Project.

Ayon kay Deputy Minority Leader Luis Campos, tinatayang nasa 365,000 na mga pasahero ang makikinabang sa araw-araw na pagbiyahe sa subway sa unang taon pa lang ng full operation nito sa 2025.

Inaasahang tataas pa sa 973,000 ang bilang ng mga pasahero na bibiyahe sa subway pagsapit ng 2035.

Tinatayang mula sa 15-million daytime population sa Metro Manila sa kasalukuyan ay aangat pa ito sa 20 million sa mga susunod na taon

Ang phase 1 ng unang underground rapid transit system ay susuportahan sa ilalim ng P51.3 billion discounted loan mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

Sinabi ng mambabatas na wala na ring ibang pagpipilian ang pamahalaan kundi ang magtayo ng tunnel o subway para sa mga tren dahil hindi na rin magagawang palawakin pa ang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila na solusyon sa matinding traffic sa bansa.  CONDE BATAC

Comments are closed.