UMABOT na sa P1.5 bilyong halaga ng social investments ang naipagkaloob ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI), sa pangunguna ng Razon Group, bilang tulong sa pamahalaan sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng bansa.
Sa loob ng halos dalawang taon ng community quarantine, ang ICTSI ay nakipagtulungan sa gobyerno at ilang pribadong sektor para sa pagbili at pamamahagi ng bakuna, pagtatayo ng quarantine at testing facilities, pagsuporta sa programa para maibsan ang kagutuman, at pagtulong sa health care workers at institutions.
“The battle to turn the tide of this pandemic continues, and there is no room for complacency. It is imbibed in our corporate culture to help where we can, and we will continue to do that beyond this pandemic. The social investment is worth it as we see lives saved and the economy gradually opening,” wika ni Christian R Gonzalez, ICTSI executive vice president.
Pinangunahan ng ICTSI sa hanay ng pribadong sektor ang pagbili ng pamahalaan ng vaccines kung saan sa 3 million doses ng AstraZeneca ay inisponsoran ng ICTSI ang 300,000 doses nito na hinati at ibinigay sa national government at local government units, samantalang sa 20 million doses ng Moderna vaccines, 13 million doses ang ipinagkaloob sa public sector at 7 million sa private sector.
At upang maisaayos ang paglalagyan ng bulto-bultong vaccines, nagtayo ang ICTSI ng pansamantalang cold storage at drive-through vaccination facility sa Nayong Pilipino Foundation (NPF) property sa Paranaque City.
Binuksan noong Agosto ang P250 million vaccination facility na may kapasidad na mag-administer ng 15,000 doses araw-araw.
Para masiguro na mababakunahan ang lahat ng empleyado at dependents ng pribadong sektor, ginamit na rin ng ICTSI at Bloomberry Resort Corp ang bahagi ng Solaire Resort and Casino bilang vaccination areas na hanggang nitong Nobyembre 22 ay nakapagbakuna ng mahigit sa 300,000 doses.
Ginamit na rin ng ICTSI sa tulong ng Bloomberry and Prime Infrastructure Holdings, Inc. bilang quarantine at isolation facilities ang Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Sports Complex, ilang bahagi ng Philippine General Hospital at ang 600-bed quarantine facility na pinakamalaki sa Metro Manila na itinayo sa Entertainment City.
Nagtayo rin ang ICTSI ng testing facilities sa Enderun sa Taguig, Palacio de Manila sa Manila at Mall of Asia Arena sa Pasay at ang ilang lugar sa Solaire ay ginawa na rin testing facility. VICKY CERVALES