HIGIT P1.5 bilyong tulong na ang naipaabot ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI), kasama ang Razon Group, upang makatulong sa paglutas ng kinakaharap nating pandemya.
Kasama ang gobyerno at pribadong sektor, pinangunahan ng ICTSI ang pagbili at pamamahagi ng mga bakunang AstraZeneca at Moderna sa Pilipinas, pagpapagawa ng mga quarantine at testing facilities upang maitaas ang testing capability ng bansa, at pagtulong sa mga frontliner at kapos-palad nating mga kababayan.
“Tuloy ang ating laban upang makabalik tayo sa normal matapos ang pandemya, at hindi ito ang panahon para huminto. Nakapaloob sa aming pang-araw-araw na kultura na tumulong sa abot ng aming makakaya, at patuloy nating gagawin iyon sa kabila ng pandemyang ito. Nakikita natin na sulit ang ating mga pagsisikap dahil maraming buhay ang naililigtas at ang ekonomiya ay unti-unting bumubukas,” ani ni Christian R. Gonzalez, executive vice president ng ICTSI.
Pinangunahan ng ICTSI ang pribadong sektor sa pagtulong sa gobyerno na makabili ng bakunang kinakailangan upang malabanan ang COVID-19. Kabilang na dito ang unang 3 milyong dose ng bakunang Oxford-Astrazeneca, kung saan 300,000 dose ang binili ng kumpanya; at ang 20 milyong dose ng bakunang Moderna sa pamamagitan ng isang tripartite agreement, kung saan 13 milyon ang napunta sa gobyerno at 7 milyon sa pribadong sektor.
Upang maayos na mailagak ang mga bakunang Moderna, nagtayo rin ang kumpanya ng isang pansamatalang cold storage at drive-through facility sa lupang pagmamay-ari ng Nayong Pilipino Foundation sa Paranaque. Pinasinayaan noong Agosto, ang pasilidad na ito ay may kapasidad na magturok ng 15,000 dose kada araw.
Nagbukas din ang ICTSI kasama ang Bloomberry Resorts Corp. ng isang pasilidad sa Solaire Resort and Casino upang magsilbing vaccination site ng mga empleyado ng Razon Group, kanilang mga dependents, at ng mga private sector buyers. Binuksan noong Hunyo, ang pasilidad sa Solaire ay kayang magturok ng 6,000 shot kada araw. Kapwa nakapagturok na nang higit 300,000 vaccine doses ang mga pasilidad sa Nayong Pilipino at Solaire sa ngayon.
Tumulong din ang Bloomberry at Prime Infra, kapwa pinamumunuan ni Razon, sa pagsasa-ayos ng mga kasalukuyang imprastraktura upang maging quarantine at isolation facilities. Ito ay ang Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Sports Complex, at isang parte ng Philippine General Hospital. Kasama ang DPWH, naitayo din ang pinakamalaking quarantine facility sa Metro Manila sa Entertainment City.
Bukod sa mga isolation facilities, tumulong din ang ICTSI sa pagsasaayos ng mga testing facility sa Enderun sa Taguig, Palacio de Manila sa Maynila, at ang Mall of Asia Arena sa Pasay. Isang pasilidad din sa Solaire ang ginawang testing facility.
Sa pangunguna ng ICTSI Foundation at mga partner organizations nito, binigyang tuon at pansin din ng kumpanya ang mga higit na nangangailangan na lubos na apektado ng pandemya. Kabilang na rito ang Project Ugnayan ng Philippine Disaster Resilience Foundation, na nagbigay ng ayuda sa mga nawalan ng trabaho at pamilyang nagugutom noong unang enhanced community quarantine. Namigay rin ng tulong ang kumpanya sa mga residenteng malapit sa Manila International Container Terminal, at pinondohan ang pagsasaayos ng isang 8,000-square meter na football field sa Tondo upang gawing taniman nang gulay para sa mga residente.
Tumulong din ang ICTSI Foundation upang mapondohan ang walk-in testing facility sa Lungsod ng Maynila, at namigay ng mga PPE, face mask, testing kits, thermal scanners, disinfection supplies, at mobile clinics sa mga pampublikong ospital at barangay health centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo’t higit sa mga komunidad na may presensya ang kumpanya.
Nagpaabot din ng tulong pinansiyal at mga wellness kits ang kumpanya sa mga kinabibilangang komunidad nito, kasama na ang mga katuwang nitong paaralan, solid waste community volunteers, at day care workers. Nagpaabot din ng tulong ang ICTSI Foundation sa dalawang higit na nangangailangang sektor: ang mga nakakatanda sa pamamagitan ng Coalition of Services for the Elderly para mapunan ang supplies nang higit 10,000 senior citizens sa Kalakhang Maynila; at mga katutubo sa pamamagitan ng Project Liwanag upang matulungan ang higit 2,000 pamilyang Aeta na nasa mga kabundukan ng Capas, Tarlac.
Bilang pagkilala sa papel na ginagampanan ng mga social worker sa patulong sa mga komunidad na makayanan ang pandemya, nagbigay din ang Foundation ng mga PPE at disinfection supplies sa Department of Social Welfare and Development – NCR and the Philippine Association of Social Workers, Inc. – Manila Chapter. Nakatanggap din ang Manila Social Welfare Reception and Action Center ng mga laptop at printer upang matulungan ang mga social worker na makapaghatid ng serbisyo sa mga stranded na indibidwal, pamilyang nasa lansangan, at mga batang nangangailangan ng espesyal na proteksyon.
Habang lumipat ang sistema ng edukasyon patungong distance learning, ipinagpatuloy ng ICTSI Foundation ang suporta nito sa mga iskolar nito sa high school at kolehiyo, at mga katuwang na mga paaralan sa buong bansa. Ang mga laptop, photocopier at printer, papel at tinta na supply, at pocket wi-fi ay naibigay sa mga katuwang na paaralan, kabilang ang mga video at multimedia na kagamitan upang mapalakas ang pagtuturo sa TV at radyo.
Tumulong din ang kumpanya sa higit 300 estudyante ng Don Bosco Youth Center sa Tondo na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral ng teknikal-vocational matapos mawalan nang pinansiyal na suporta ang paaralan dahil sa pandemya.
Nagbigay din ng serye ng psychosocial seminars para sa mga guro ang Foundation upang masuportahan ang kanilang mental health.
Ang International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) ay nangunguna sa pagtulong sa bansa na makabangon mula sa pandemya. Ang higit Php250 milyong Solaire-ICTSI Vaccination Center sa Nayong Pilipino sa Paranaque City ay itinayo ng ICTSI nang walang gastos sa pamahalaan. Ang pagbabakuna ng ICTSI, na nagsimula noong Hunyo, ay nagbigay ng higit sa 300,000 doses ng bakunang Moderna mRNA na mga bakuna noong Nobyembre 22.
Tungkol sa International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI)
Itinatatag noong 1988 at nakabase sa Maynila, Pilipinas, ang International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) ay nasa negosyo ng pagpapaunlad, pamamahala at pagpapatakbo ng mga pantalan. Ang mga portfolio ng terminal at proyekto ng ICTSI ay matatagpuan sa mga maunlad at umuusbong na mga merkado sa Asya Pasipiko, Americas, at Europa, Gitnang Silangan at Africa. Malaya at walang pagpapadala o interes na nauugnay sa anumang linya ng barko o consignee, gumagana at nakikipagtransaksyon ang ICTSI nang malinaw sa lahat ng stakeholder ng supply chain. Ang ICTSI ay patuloy na tumatanggap ng pandaigdigang pagkilala para sa mga public-private partnerships nito na nakabase sa masusuportahang pag-unlad, at sinusuportahan ng mga inisyatiba ng corporate social responsibility. (www.ictsi.com)