APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang P1.5-trillion COVID-19 Unemployment Reduction Economic Stimulus (CURES) bill.
Ang House Bill 6920 — na nagpapahintulot sa pamahalaan na magpalabas ng P500 billion taon-taon para sa susunod na tatlong taon upang pondohan ang infrastructure projects sa limang sektor na itinuturing na pinakaapektado ng COVID-19 — ay nakakuha ng 210 yes votes laban sa 7 no votes.
Ang limang sektor na tinukoy sa bill ay ang health, education, agriculture, local roads at livelihood.
Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, ang nasabing infrastructure projects ay kabibilangan ng barangay health centers, municipal at city hospitals, digital equipment para sa COVID-19 testing, telemedicine services, post-harvest facilities, trading centers, at farm-to-market roads.
Ang pag-apruba sa bill ay isinagawa sa parehong araw na iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumobo ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa sa record-high 7.3 million noong Abril.
Comments are closed.