(P1.50/L sa diesel; P0.40/L sa gasolina)PETROLYO MAY DAGDAG-PRESYO

MAY taas-presyo sa mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na tataas ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P0.40, diesel ng P1.50, at kerosene ng P1.25.

Epektibo ang price increase sa alas-6 ng umaga para sa parehong kompanya.

Noong nakaraang Martes, Pebrero 28, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P0.70, diesel ng P1.30, at kerosene ng P1.80.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang Pebrero 28, 2023, ang year-to-date net decrease ay nasa P2.40 kada litro para sa kerosene at P2.30 kada litro para sa diesel.

Para sa gasolina, ang year-to-date adjustment ay nasa net increase na P5.30 kada litro.