NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark ang 988 pirasong tableta ng ecstasy o prohibited drugs na aabot sa P1.6 milyon ang halaga.
Ayon sa impormasyon na natanggap ng BOC Manila, dumating ang nasabing mga droga noong September 1 mula sa isang nagngangalang Milton Keynes ng United Kingdom.
Idineklara ito bilang “air humidifier”, ngunit nang sumailalim sa masusing eksaminasyon, bukod sa air humidifier nakita rin sa kargamento ang assorted colors ng mga ecstasy tablet.
Agad naman ito dinala sa laboratory testing at chemical analysis para sa conformation ng qualitative examination at batay sa resulta positibong Methylenedioxymethamphetamine (MDMA) o kilala sa tawag na ecstasy.
Kumpiskado ang mga naturang droga kasabay sa pag-isyu ng Warrant and Seizure and Detention (WSD) dahil sa paglabag ng Sections 118 (g), 119 (d) and 1113 (f), (i) & (l) of R.A. No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to R.A. No. 9165 o tinatawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.