P1.6-TRILLION REMITTANCE NG OFWs KINUMPIRMA NG DOLE

remitance

UMABOT sa mahigit P1.6-trillion kada taon ang remittances na naiuwi ng overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ang kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III kasabay ng pasasalamat sa kontribusyon ng mga ito sa ekonomiya ng bansa.

Dahil dito, pinagkalooban ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng regalo ang may 800 OFWs mula Singapore at Saudi Arabia na dumating sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) Terminal  1.

Ang naturang OFWs ay pawang nabigyan ng bakas­yon ng kanilang mga employer para makasama ang kanilang pamilya ngayong Bagong Taon.

Ayon naman kay OWWA Administrator Hanz Leo Cacdac, bukod sa grocery items, 25 OFWs mula Singapore at Riyadh ang napili ng ahensiya na pagkalooban ng P10,000 cash.

Gayunpaman, nilinaw naman ni Cacdac na hindi sasagutin ng OWWA ang travel expenses ng OFWs pauwi sa kanilang mga lalawigan dahil hindi naman sila mga distressed OFWs.