HALOS P2 kada litro ang ibababa ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pagbagsak ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado dahil sa paghina ng demand dulot ng coronavirus disease o COVID-19 outbreak.
Nag-anunsiyo ang Shell, Petro Gazz at Seaoil na simula sa Martes, alas-6 ng umaga, ay tatapyasan nila ang presyo ng gasolina ng ₱1.40/L, habang ang diesel ay may bawas na ₱1.60/L.
May bawas din ang Shell at Seaoil sa pump price ng kerosene ng ₱1.65/L sa parehong araw.
Nauna na ring nag-anunsiyo ang Cleanfuel ng parehong price cut simula kahapon.
Sa pinakabagong datos mula sa Department of Energy (DOE), ang adjustments year-to-date ay may net decrease na P2.80 kada litro para sa gasolina, P4.60 sar diesel, at P5.94 para sa kerosene hanggang noong Pebrero 19.
Ang mga depressed factory activity sa China, kung saan unang iniulat ang COVID-19 outbreak, ay nagbaba ng presyo ng petrolyo, na humila sa Brent crude oil sa below $50 kada bariles.
Comments are closed.