P1.7-M POLICE AND OFFICE EQUIPMENT NATANGGAP NG PNP

CAMP CRAME –AABOT sa P1.7 mil­yon ang halaga ng donasyong natanggap ng Philippine National Police (PNP) mula sa PNP Founda-tion Incorporated kahapon para mapalakas at mapaganda pa ang serbisyo ng mga law enforcer.

Sinabi ni PNP Chief, Dir. Gen. Oscar David Albayalde, ang donas­yon ay binubuo ng mga kagamitan  at ang turnover ceremony ay sinaksihan mismo ng PNP chief sa Star Officers’ Lounge, NHQ Building, Camp Crame  sa Quezon City.

Nanguna sa panig ng PNPFI si Vice Chairman Teresita Ang-See at ang kanilang treasurer na si Ramon L. Lim bilang kinatawan ni chairman na si dating PNP Chief, Senator Panfilo Lacson.

Ang mga donasyon ay 133 items na kinabibilangan ng 44 Sets of Intel Core I7th Gen i3 desktop computer, 5 Units EPSON L360 3-in-1 Printer, 17 Units EPSON L120 Printer, 2 Units ACER x118 DLP Projector with wide screen,    1 Unit Brothers Scanner ADS -1100W,   11 Units Nikon D3400 DSLR Camera, 6 Sets Behringer Portable Public Address System,    20 Units Motorola SMP468 Handheld Radio at 27 Units Sunspeed Mountain Bike.

Ilalaan ang mga ito sa 13 police municipal stations, isang city police station, one national support unit at sa isang national office.  EUNICE C.

Comments are closed.