P1.7-M SHABU NAKUMPISKA SA 19 DRUG OPERATIONS

CEBU – AABOT sa P1,737,332 ang halaga ng iba’t ibang droga na nakumpiska ng mga tauhan ng Police Regional Office 7 sa magkakahiwalay na 19 anti-illegal drug operations sa iba’t ibang lalawigan sa nasabing rehiyon nitong Disyembre 5.

Sa datos mula kay PRO-7 Region Director, BGen. Roderick Augustus Alba, ang nasabing halaga ay katumbas ng 255.49 gramo ng shabu na nakumpiska sa mga nasabing operasyon.

Habang dalawang high value target drug suspects at 19 na iba pa ang naaresto.

Ikinasa rin ng pulisya ang 10 anti-illegal gambling operations at naaresto ang 29 katao at sampu ang kinasuhan habang nasa P3,943 bet money ang nakumpiska.

Sa 34 operasyon para sa paghahanap ng wanted, sinabi ni Alba na nakahuli sila ng apat na most wanted 32 iba pa na matagal nang nagtatago dahil inasunto.

Limang anti-loose firearms din ang isinagawa ng PRO-7 kung saan dalawa ang nahuli, isa ang nadakip sa Oplan –Katok; dalawa sa related police operations at dalawang loose firearms ang narekober.

Sinabi ni Alba na tuloy-tuloy ang kanilang anti-criminality operations at alinsunod sa Enhanced Management Police Ope­rations. EUNICE CELARIO