SA ILALIM ng public interest at transparency winasak ng Bureau of Customs ang mga nakumpiskang iba’t ibang kargamento sa loob ng RMM Trading Waste Management sa Kawit, Cavite.
Ang mga sinira ay kinabibilangan ng wet cartons, spray head, expired hair color, used metal/electronic scrap na pag-aari ng 86’ers Enterprise at Tradeport Int’l Link na tinatayang aabot sa P1.75 milyon, ayon sa Port of Manila Auction Cargo and Disposal Division (ACDD).
Sa pahayag ni Customs Commissioner Isidro Lapeña, ang 40-footer shipment ng 86’ers Enterprise ay “IPSO facto forfeited in favor of the government” dahil sa paglabag sa Section 1400 (Misdeclaration, Misclassification, Undervaluation in Goods Declaration) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Samantalang, ang kargamento ng Tradeport Int’l Link na nakumpiska ng BOC ay lumabag naman sa DENR Administrative Order 36, Series of 2004.
Dagdag pa ni Lapeña, tuloy-tuloy ang kanilang isasagawang condemnation ng forfeited goods upang maiwasang maibenta ng mga tiwaling customs personnel. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.