P1.8-B FERTILIZER CONTRACT SA DA KINUWESTIYON

SINAG chairman Rosendo So

DISMAYADO ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa pinasok na kontrata ng Department of Agriculture noong isang buwan bunsod ng umano’y overpriced na supply contract para sa urea fertilizer na nagkakahalaga ng P1.8 billion.

Nagdududa rin si SINAG Chairman Rosendo So sa pahayag ni Agriculture Secretary William Dar na ang P1,000 kada bag na contract price ng fertilizer ay  mas mura sa national ave­rage retail price na mula P1,043 ay P1,062 noong Marso hanggang Mayo.

“That’s pure fiction. They invented those numbers to justify the overpricing. You can go to any outlet store across Central Luzon and you will not encounter such prices. The average price is only at P850 per bag. That means under the negotiated bidding, there’s a difference of almost P150 per bag at their price tag of P990 to P995,” ayon kay So.

Aniya, maging ang mga magsasaka ay natatawa sa sinabing pres­yo ng kalihim subalit mas masaya ang mga umano’y tiwaling opisyal ng ahensiya dahil sa umano’y pagkamal ng salapi.

Una nang iginiit ni Dar na ang bidding ay ‘above board’ at resulta ito ng savings ng pamahalaan subalit nanindigan si So sa kanyang posisyon na ang supply contracts ay “grossly disadvantageous at overpriced”.

“It is hard to hide the price of urea fertilizer because every municipality has outlets that sell these. If a farmer can buy fertilizer from an outlet store at P850 per bag, why did the DA – buying in bulk for 1.8 million bags – decide to buy the more expensive one?” tanong pa ni So.

Sinabi rin ni So na namamaniobra ang bidding sa DA at taliwas sa dapat nagaganap na pababaan ng presyo,  nagiging qualified pa ang mataas na bid o presyo.

Ang DA ay nasa ilalim ng stimulus program na Ahon Lahat, Pagkaing Sapat Kontra COVID-19 (ALPAS sa COVID-19) at nakapag-allocate ng P5.69 billion para sa procurement ng urea fertilizer na ang presyo ay dapat mas mababa sa P1,000 kada bag. Sinabi naman ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas chairman emeritus Rafael Mariano na dapat managot ang ang nagmaniobra sa mga kontrata at aniya’y negotiated bidding. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.