NAGPALABAS ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P1.8 billion na ayuda para sa mga mangga- gawa na sinalanta ng mga bagyo.
Sa isang statement, sinabi ng DOLE na naglaan ito ng P312 million para sa mga manggagawa na kuwalipikado sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP), at P307 million para sa informal sector workers na pasok sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Cagayan Valley.
May 100 fiberglass boats din ang ipinagkaloob sa mga mangingisda sa lalawigan ng Cagayan, na nagkakahalaga ng P10 million. Nasa P14 million din ang inilaan para sa may 3,000 informal sector workers sa Calabarzon.
May P190 million din ang inilaan para sa mahigit 34,000 apektadong manggagawa sa Mimaropa, habang P500 million ang alokasyon para sa 74,000 manggagawa sa Bicol.
Nasa P24 million ang inilaan sa mga manggagawa sa private education sector, na ipinamahagi ng ahensiya noong Martes.
Comments are closed.