P1.82-B PINSALA NI ‘ROSITA’ SA AGRI

Agriculture Secretary Manny Piñol-2

PUMALO na sa P1.82 billion ang pinsala ng bagyong Rosita sa sektor ng agrikultura, ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol.

“Damages and losses from Typhoon ‘Rosita’ (now Severe Tropical Storm) is now at P1.82 billion, affecting a total of 90,052 hectares of agricultur-al areas in the Cordillera Administrative Region (CAR), Regions I, II and III with an estimated volume of production loss at 98,060 metric tons,” wika ni Piñol sa kanyang Facbook post

“The increase in values is attributed to the reports of CAR, Regions I and II. These values are subject to validation,” aniya.

Sinabi ni Piñol na lubhang nasalanta ng bagyo ang mga pananim na palay na nagtala ng P1.39-B halaga ng pinsala at nakaapekto sa may 4,921 mag-sasaka sa Benguet, Ifugao, Kalinga, Mt. Province, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales.

“This commodity also contributes mainly to the overall damages and losses at 76.67 percent,” ani Piñol.

“The affected area is now at 76,696 hectares out of the total rice standing crop of 543,993 hectares, while the volume of production loss is at 73,337 metric tons,” sabi pa niya.

Kasunod ng bigas, lubha ring napinsala ang corn farmers.

Para sa bigas, ang pinsala ay umabot sa P47.02 million na nakaapekto sa may 6,824 magsasaka mula sa mga lalawigan ng Ifugao, Kalinga, Moun-tain Province, Pangasinan, Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya.

“The affected area is 6,317 hectares out of the total corn standing crop of 96,030 hectares. The estimated volume of production loss is at 519 metric tons. Most of the affected corn crops are on their seedling stage,” ani Piñol.

“Region II is also the most affected region in terms of damages and losses in corn amounting to P 45.11 million (95.90 percent) with Isabela as the most affected province with an amount of P 37.61 million (61.84 percent),” dagdag pa niya.

Bukod sa bigas at mais, napinsala rin ang mga pananim na kape, saging, mangga, rambutan at sari-saring gulay na aabot sa P373.86 million ang hal-aga .

“Poultry farms, piggeries and other livestock also sustained da­mage ­amounting to P2.51 million, while da­mage to fisheries was placed at P881,000,” anang kalihim.

“Those affected in fisheries include sea urchin produce, lift nets, payao and facilities (Community Fish Landing Center (CFLC), Regional Maricul-ture Technodemo Center (RMATDEC), and Integrated Fisheries Laboratory (IFL) in the provinces of Ilocos Norte, La Union and Pangasinan affecting 12 fisherfolk.”

Sa kabila nito, tiniyak ni Piñol na hindi tataas ang presyo ng bigas sa bansa.

Aniya, sa kasalukuyan ay sapat ang suplay ng bigas sa mga pamilihan.

Samantala, tiniyak ng Malacañang na sapat na pondo para sa mga naiwang pinsala ng bagyong Rosita sa sektor ng agrikultura sa Cagayan Valley sa kabila ng magkakasunod na kalamidad na tumama sa hilagang Luzon.   VERLIN RUIZ

 

Comments are closed.