(P1.85/L sa gasolina; P2.40/L sa diesel) BIG-TIME OIL PRICE HIKE

MAY MALAKIHANG pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo simula ngayong Martes.

Sa magkAhiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na tataas ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P1.85, diesel ng P2.40, at kerosene ng P1.85.

Magpapatupad ang Cleanfuel at PetroGazz ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.

Epektibo ang taas-presyo sa alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel,  na magpapatupad ng price increase sa alas-4:01 ng hapon sa kaparehong araw.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Disyembre 21, 2021, ang total net increase sa gasolina ay nasa P17.85 kada litro; diesel,  P14.95 kada litro; at kerosene, P12.39 kada litro.