P1.89-B INILAAN PARA PAILAWAN ANG 1,140 LUGAR

Kuryente

UPANG maiangat ang buhay ng mga tukoy na maralita na nakatira sa barangay at sitio na wala pang supply ng koryente, naglaan ang Marcos administration ng P1.89 bilyon para sa proyektong pailaw ng National Electrification Authority (NEA) na nasa ilalim ng Department of Energy (DOE).

Ang nasabing budget, na idinaan sa NEA na inilaan sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA), ay magpopondo sa mga programa ng ahensiya, kabilang ang Barangay/Sitio Electrification Project, Electric Cooperatives Emergency and Resiliency, at Pag-install ng mga Solar Panel sa mga Pampublikong Gusali.

“When we say we want to uplift the lives of the Filipino people, we mean all Filipinos, even those in the farthest barangays or sitios. And we cannot achieve socio-economic improvement in these areas if their communities remain unelectrified. Kaya siniguro po natin na may pondo ang mga programa na magpapa-ilaw lalo na sa mga malalayong lugar” ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secreatry Amenah Pangandaman.

Sa mga programa ng NEA, ang Barangay/Sitio Electrification Project ang magkakaroon ng pinakamalaking pondo, P1.68 bilyon ngayong taon.

Layunin ng proyekto na makapagbigay ng koryente sa may 1,140 sitio sa buong bansa.

Ang Special Provision sa 2023 GAA ay nagsasabing ang Barangay/Sitio Electrification Project ay dapat unahin ang mga barangay/sitio kung saan ang isang ganap na bilang ng mga mahihirap at ang saklaw ng kahirapan ay mataas tulad ng natukoy sa pinakabagong opisyal na istatistika ng kahirapan ng Philippine Statistics Authority (PSA), gayundin bilang mga may mataas na posibilidad na magkaroon ng koryente.

“This program of the Energy Department will also support President Ferdinand Marcos Jr.’s goal to ensure that energy in the country is affordable, sustainable, secure, and sufficient, especially during calamities and emergencies,,” dagdag ni Secretary Pangandaman.

EVELYN QUIROZ