P1.9-B SOLAR POWER PLANT PROJECT INENDORSO PARA SA GREEN LANE

BINIGYAN ng Board of Investments (BOI) ng green lane certificate ang isang P1.9 billion solar power plant project sa Pangasinan.

Sa isang statement, sinabi ng BOI na ang 49.9-megawatt Mabini Solar Power Plant Project ng Spotlight Power, Inc. (SPI) ay inaasahang magsisimula ang operasyon sa second quarter ng 2026.

Ang ground-mounted solar farm, na matatagpuan sa Barangay San Pedro sa bayan ng Mabini, ay inaasahang lilikha ng 150 trabaho mula sa pre-development hanggang sa pagsisimula ng commercial operations.

Ang SPI, isang renewable energy (RE) development company na naka-base sa Pilipinas, ay nakapokus sa solar photovoltaic (PV) modules at iba pang renewable energy assets.

Suportado ito ng Trina Solar Investment Pte. Ltd., isang investment arm ng Trina Solar Co. Ltd., isang global leader sa solar industry na nakatuon sa smart PV at energy storage solutions.

Minamandato ng Executive Order 18, na inisyu noong Feb. 24 ng nakaraang taon, ang paglikha ng green lanes sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Sa pamamagitan ng One-Stop Action Center for Strategic Investments (OSAC-SI), ang proseso ng pagkakaloob ng permits at licenses para sa strategic energy investments sa bansa ay pabibilisin ng green lanes na ito.

Sinabi ng BOI na makikipagtulungan ang OSAC-SI team sa mga lokal na opisyal sa Pangasinan upang suportahan ang proyekto at padaliin ang permitting at licensing processes.

“Green lane is a game changer for renewable energy development. It drives complete transparency and accountability for all the government agencies we rely on to complete our permitting and licensing. This government initiative truly delivers on the promise of easing the process of doing business, especially regarding highly complex requirements that are time-sensitive,” pahayag ng mga kinatawan ng SPI at Trina Solar Co., Ltd.

“As an RE developer, this enhances our efficiency and increases our capability to deliver projects in a timely and effective manner. Because of this, our investors are more confident than ever that we can deliver more projects this year and in the years to come. We would like to thank the entire BOI-OSAC-SI team for this initiative and commend them for the fantastic support they consistently demonstrate in every project we undertake.”