P1.9-M CASH AT LIVELIHOOD ASSISTANCE SA 100 REBEL RETURNEE

NPA

MASBATE – KABUUANG P1.9 million ang halaga ng cash at livelihood assistance na ibigay sa sumukong 101 dating miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ang ayuda, ayon kay Maj. Ricky Aquilar, public affairs office chief ng 9th Infantry Division natanggap ng mga rebel returnee ang kanilang benepisyo sa idinaos na military-sponsored Peace Caravan sa Cawayan Sports Gymnasium sa bayan ng Cawayan.

Sumailalim muna sa evaluation at pagproseso ang mga dating rebelde bago ipinagkaloob ng Department of Interior and Local Government ang P15,000 na cash bawat isa.

Apat na dating rebelde naman ang tumanggap ng P50,000 kada isa bilang livelihood assistance habang isa ang tumanggap ng P78,000 dahil sa pagsuko ng kaniyang armas. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

One thought on “P1.9-M CASH AT LIVELIHOOD ASSISTANCE SA 100 REBEL RETURNEE”

Comments are closed.