P1-B AID SA TYPHOON-HIT FARMERS, FISHERS INIHAHANDA NA NG PCIC

MANGINGISDA-MAGSASAKA

BABAYARAN ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ang mga insured farmer at fisherfolk na ang kabuhayan ay napinsala ng mga bagyong Quinta at Rolly.

Sa kanyang report kay Agriculture Secretary William Dar, sinabi ni PCIC president Jovy Bernabe na sa inisyal na pagtaya ng ahensiya, ang farm losses ay umabot sa P1.01 billion.

Kumakatawan ito sa tinatayang pinsala sa standing rice, corn at high-value crops (HVC) sa mahigit 95,126 ektarya at  1,997 maliliit na fisheries projects, kabilang ang mga bangka at fishing gears, sa 30 lalawigan.

Ang bilang ng insured farmers at fishers ay nasa 77,471.

Sa mga pananim, ang  HVC ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala sa P668.97 million;  kung saan ang bigas ay nagtala ng P285.04 million; at mais, P6.15 million.

Ang poultry at livestock damage ay tinatayang nasa P37.73 million, habang sa fisheries ay P15.37 million.

Sa mga rehiyon, ang Bicol Region ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala sa P637.53 million, sumusunod ang Mimaropa na may P150.46 million, at Calabarzon na may P97.38 million.

Ang pinsala sa Central Luzon at Cagayan Valley  ay nagtamo naman ng  P52.65 million at P75.25 million, ayon sa pagkakasunod.

Inatasan na ni Dar ang regional at head office staff ng PCIC na bilisan ang pagsasagawa ng insurance adjustment activities at ang pagbabayad ng claims.

Binabayaran ng PCIC ang mga naka-insure na magsasaka at mangingisda sa loob ng hindi hihigit sa 60 araw subalit kailangan ay kumpleto ang mga dokumento.

Comments are closed.