TINATAYANG nasa P1-B halaga ng umano’y pekeng sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa Cabiao, Nueva Ecija.
Ayon sa BOC, nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng pulisya, customs, at local officials ang 3 kahon ng mga huwad na tax certification stamps, 15 cigarette-making machines, ilang packing machines, filter-making machines, isang mixer, dryer, at raw mate-rials.
Maliban dito, naaresto rin ang 20 Chinese nationals at 100 Pinoy na hinihinalang sangkot sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.
Comments are closed.