SIMULA sa 2022 ay inaasahang aabot sa isang bilyong piso ang ilalaang pondo ng pamahalaan kada taon sa programa nito na pagpapagamot sa mga tinamaan ng sakit na Human Immunodeficiency Virus (HIV).
Ito ang inihayag ni House Committee on Health Vice-Chairman at Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor, bunsod na rin ng patuloy na pagtaas sa bilang ng HIV patients.
“Right now, the Department of Health (DOH) is already spending around P478 million every year for the 38,279 Filipinos living with HIV and actually undergoing life-saving ART. The amount is likely to balloon to P1 billion annually by 2022, as more Filipinos living with HIV emerge and seek treatment,” sabi pa ng ranking house official.
Ani Defensor, sa ngayon, ang halaga ng ‘single course of treatment’ para sa isang HIV positive ay nagkakahalaga ng P12,500 hanggang P15,000.
Base sa datos ng DOH, mula 2016 hanggang 2018, ang mga panibagong kaso ng HIV sa bansa ay mayroong annual average na 10,588 at sa susunod na tatlong taon ay inaasahang nasa 10,000 ang annual average ng new HIV cases.
Pinuri naman ni Defensor ang kagawaran dahil sa matagumpay nitong programa para mapasailalim sa gamutan ang 90% ng kabuuang bilang ng HIV patients sa bansa.
Bunsod nito, tiniyak ng pro-health partylist solon na ang Kongreso ay magiging katuwang ng DOH sa kampanya laban sa naturang sakit.
“We would also urge not just the DOH but also provincial, city and municipal health offices in regions with high HIV concentrations to invest more aggressively in preventive programs,” dagdag ni Defensor.
Sinabi ng mambabatas na ang HIV, na siyang dahilan sa pagkakaroon ng AIDS o Acquired Immune Deficiency Syndrome na sumisira sa natural na kakayanan ng katawan ng tao na labanan ang lahat ng ‘highly infectious diseases’ ay wala pang gamot, subalit nakatutulong naman ang ART para hindi lumalala ang kondisyon ng pasyente nagtataglay nito.
“People living with HIV in the early stages can continue to live normal and economically productive lives as long as their viral load is kept sup-pressed by ART, according to the World Health Organization,” banggit pa niya. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.