TIYAK na ang malilipatan ng may 2,000 pamilya na nakatira sa Isla Puting Bato sa Tondo, Manila na maaapektuhan ng rehabilitasyon ng Manila Bay.
Nilagdaan na ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Philippine Port Authority (PPA) at National Housing Authority (NHA) sa isinagawang House oversight committee on Housing sa Rosauro Arboleda Elementary School sa Zaragoza, Tondo, Manila kahapon.
Ayon kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, base sa nilagdaang MOU, ido-donate ng PPA ang may limang ektaryang lupain sa Tondo para pagtayuan ng mga housing unit ng may 2,000 pamilya na nakatira sa Isla Puting Bato.
“Under the agreement, the PPA will allocate the 5 hectares and construct the housing units in coordination with port operators ICTSI and MNHPI. The NHA will identity the qualified recipients while the City of Manila will help in the implementation of the project,” pahayag pa ni Arroyo.
“Some P1 billion will be alloted for the project,” ani Arroyo na personal na sinaksihan ang paglalagda sa nasabing MOU kasama sina Department of Transportation (DOTr) Secretary Arturo Tugade, Senator Cynthia Villar, the chairman of the Senate Committee on Environment and Natural Resources, Manila Mayor Joseph Estrada, Negros Occidental Rep. Albee Benitez, chairman of the House Oversight Committee on Housing, Manila Rep. Manuel Lopez at mga opisyales ng mga housing department.
Buwan ng Enero ay sinimulan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Manila Bay rehabilitation na layon na linisin ang nasabing karagatan sa basura.
Matatandaang nagpahayag ng pangamba ang mga militanteng grupo na aabot sa 300,000 pamilya na nakatira sa gilid ng Manila Bay ang maaapektuhan sa nasabing rehabilitasyon kasama na ang mga nakatira sa isla Puting Bato. AIMEE ANOC
Comments are closed.