P1 DISCOUNT SA JEEPNEY DRIVERS IKINAKASA NG DOE

Jeepney driver

MAY AYUDA ang gobyerno sa mga driver ng public utility vehicles o PUVs na umaaray na sa patuloy Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, magkakaroon ng mahigit pisong diskuwento ang PUVs na magpapakarga ng gasolina sa Petron, Phoenix at Shell.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, magkakaroon ng mahigit pisong diskuwento ang PUVs na magpapakarga ng gasolina sa Petron, Phoenix at Shell.

Aniya, hinihintay na lamang nila na lagdaan at gawing pormal ang memorandum of agreement kaugnay sa naturang plano ng mga kompanya ng langis.

Sinabi ng DOE chief na sa ngayon ay sa nasabing inisyatibo muna maaaring umasa ang mga driver at operator na apektado ng pagmahal ng krudo.

Nauna nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bukas sila sa posibilidad na itaas sa P10 ang minimum fare sa jeep mula sa kasalukuyang P8 basta hindi makokompromiso ang interes at panig ng mga commuter.

Samantala, inalmahan ng mga economic leader ng bansa ang patuloy na paninisi ng ilang grupo sa tax reform law na dahilan umano ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang bilihin.

Binigyang-diin ni Budget Secretary Benjamin Diokno na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado ang dahilan ng pagsipa ng presyo ng petrolyo sa bansa, at hindi ang fuel excise tax na nakapaloob sa Tax Reform on Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Tinutulan naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang panukalang suspendihin ang excise tax sa langis dahil maaapektuhan, aniya, ang sahod ng mga pulis at sundalo, gayundin ang libreng matrikula sa kolehiyo.

Nauna rito ay sinabi ng Malacañang na nakahanda itong itigil muna ang pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo kapag pumalo na sa $80 kada bariles ang halaga ng krudo sa pandaigdigang merkado. DWIZ

 

 

Comments are closed.