RIZAL- HALOS himatayin ang isang ginang makaraang malimas ng kilabot na “Akyat Bahay” ang mga ari-arian, alahas at kuwarta nito sa Antipolo City.
Nabatid na dakong alas-8:40 ng hapon ay humingi ng saklolo sa awtoridad ang biktimang si Smile Linda Palisoc Decena dahil sa pinasok ng magnanakaw ang kanyang tahanan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi sumalakay ang mga magnanakaw sa bahay ng biktima sa Phase-4, Sitio Manalite 1,Brgy., Sta. Cruz, sa lungsod.
Winasak ng mga suspek ang bakal at winasak ang bintana sa ikalawang palapag ng bahay.
Tinangay ng mga ito ang gadgets, appliances, alahas na nagkakahalaga ng P700,000.00 at cash na P300,000.00 na nakalagay sa master bedroom.
Sa pahayag ng biktima sa awtoridad nagbakasyon ito sa lungsod ng Baguio at sa kanyang pag-uwi nabulaga ito na halos nilimas ng mga miyembro ng Akyat Bahay ang kanyang kagamitan alahas at salapi.
Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon at follow-operation kabilang ang paglikom ng CCTV footage sa lugar para matukoy at maaresto ang mga suspek. ELMA MORALES