RIZAL – MULING nagbigay ng ayuda ang pinagsanib na grupo ng Chinese Embassy of the Philippine at Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry Incorporated (PCCCII)sa mga naapektuhan ng bagyong Enteng at Habagat sa Brgy. Mayamot, Antipolo City.
Sa pahayag ng Pangulo ng PCCCII na si Arian Hao, umaabot sa halagang P1 milyon ng groceries ang kanilang ibinahagi sa isang libong residente sa naturang barangay.
Dagdag pa ni Hao, patuloy ang isasagawa nilang humanitarian activities para sa mga matinding naapektuhan ng kalamidad.
Sinabi pa ng Pangulo ng PCCCII, panlimang beses na nilang ginagawa ito na una ay sa dalawang Brgy. sa Delpan Tondo, Manila sumunod ay sa Mandaluyong, Quezon City at ngayon sa Brgy. Mayamot, Antipolo City.
Sa darating na Setyembre 8 araw ng Linggo, magtutungo rin ang grupo sa bayan ng Naga sa Bicol upang maghatid din ng tulong sa mga nasalanta at naapektuhan ng bagyong Enteng at Habagat.
EVELYN GARCIA