P1-M CASH AID NG PNP SA MGA ANAK NG PNCO AT NUP

UPANG matulungan ang mga anak ng pulis, maglalabas ng P1 milyon ang Philippine National Police (PNP) para sa kanilang educational assistance.

Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo B. Carlos, sakop ng cash aid ang mga anak na nag-aaral ng police non-commissioned officer (PNCO) at Non-Uniformed Personnel (NUP).

Batid ni Carlos ang gastusin ng online learning dahil kailangan ng gadgets at internet connection kaya sa munti nilang paraan ay nais matulungan ang mga PNP personnel gayundin ang pag-aaral ng mga anak nito.

“Yung P1 milyon po ay educational assistance, so we give it to our non-commissioned officer saska ‘yung mga NUP, kasi nakikita natin online ‘yung mga bata, paano ba namin sila matulungan. Ito naman ay, probably, kung paano nila magagamit iyon to assist the children, ‘yung online studies nila at ano pang tulong an gaming maibibigay sa kanila at gusto kong iabot agad sa mga anak ng ating mga pulis na nag-aaral nga­yon online, maaaring they need a gadget and other items that can help them in their online class,” pa­liwanag ni Carlos.

Tiniyak din ni Carlos na mamadaliin niya ang release ng nasabing pondo para sa makatulong sa mga anak na estudyante ng PNCO at NUP. EUNICE CELARIO