ZAMBALES-ISANG milyong piso ang alok na pabuya ng pamilya ng negosyanteng si Dominic Sytin, chief executive officer of United Auctioneers Inc. (UAI) para sa ikaaaresto ng pumaslang sa auction firm leader noong Miyerkoles ng gabi sa loob ng Subic Bay Freeport Zone.
Una nang inihayag ni Chief Supt. Joel Coronel, hepe ng Police Regional Office 3 (Central Luzon), na mayroon na silang composite sketch ng nag-iisang gunman ni Sytin malapit sa Lighthouse Hotel dahil nasapol ng closed-circuit television (CCTV) ang pagtakas ng salarin makaraang atakehin ang biktima.
Bigo naman noon ang body guard ni Sytin na si Efren Fartiro na mahabol ang suspek na lulan ng motorsiklo.
“Witnesses and closed CCTV footage helped investigators get description of the suspect, who fled the crime scene after killing Sytin near the Lighthouse Hotel Wednesday night,” ayon kay Coronel.
Kabilang naman sa tinitingnan ng pulisya sa motibo ay business rivalry lalo na’t wala namang personal na kaaway si Sytin.
Sinabi ni Coronel na kinumpirma sa kanya ng pamilya ni Sytin at business associates nito na nakatatanggap na ang biktima ng death threat ilang linggo bago tambangan sa Subic.
“We were able to interview family members and also his employees and business associates in United Auctioneers and one of them revealed Mr. Sytin received a threat from another involved or engaged in the same industry,” pahayag ni Coronel.
Malakas ang hinala ni Coronel na bagaman nag-iisa lang ang bumaril kay Sytin, maraming sangkot sa pananambang at iyon aniya ang kanilang tututukan.
Batay din aniya sa kilos ng killer ni Sytin, ito ay may taglay na husay sa paggamit ng baril.
“The gunman is proficient in the use of firearms. The caliber used was a .45 single stack, most likely walo lang bala naka-load (only eight bullets loaded). He shot Mr. Sytin four times, all hitting their mark, and another three rounds were fired at the driver also hitting their mark,” dagdag pa ni Coronel.
Magugunitang kinondena sa senado noong Huwebes ang pagpaslang kay Sytin na umano’y marami ring kaibigang politiko.
Samantala, hawak na rin ng pulisya ang itim na motorsiklo ng gunman na natagpuan malapit sa Korean church sa Kalaklan gate gayundin ang isang magazine na isinailalim na para sa fingerprinting at DNA examination. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.