P1-M SHABU NASAMSAM SA BUY BUST

RIZAL- NAKUMPISKA ang mahigit isang milyong halaga ng shabu sa isinagawang drug operation sa kahabaan ng Sitio Culasisi, Brgy San Luis, Taytay sa lalawigang ito.

Iniulat ni Provincial Director Rizal PPO Col. Dominic Baccay kay Regional Director PRO 4A CALABARZON BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang pagkakadakip ng isang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga dakong alas-11:04 kamakalawa ng Gabi.

Sa imbestigasyon ng Antipolo City Police Station sa pangunguna ng hepe na si Lt Col. June Paolo Abrazado ay matagumpay na naaresto ang suspek na si Rico Abit y Regajal y Christian, 29-anyos, residente ng Quezon, City.

Nakumpiska mula sa suspek ang siyam na pakete na naglalaman ng shabu at may bigat na150 gramo ng nagkakahalaga ng P1,020,000.

Ito ay minarkahan, inimbentaryo at kinuhanan ng litrato sa mismong lugar ng operasyon sa presensiya ng supek na agad din namang ipinaalam ang lahat ng karapatan.

Dinala ang mga nakumpiska sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Samantala, kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Antipolo Custodial Facility na nahaharap sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
ELMA MORALES