UMAABOT sa P1 milyong undocumented 51 sako ng bigas at 25 kahon ng sigarilyo ang nasabat ng mga operatiba ng Zamboanga International Port, BOC – Intelligence Group at law enforcement agencies sa Zamboanga International Port kamakalawa.
Ayon sa impormasyon na ipinarating ng BOC-Zamboanga sa pamunuan ng BOC sa Manila, ang mga kargamento ay sakay ng M/V Maria Matilde na dumaong sa Zamboanga International Port.
Nabatid na nasabat din ang 34 bales ng used clothing (ukay ukay) na may value na P450K sa inilatag na joint operation ng grupo noong Agosto 20 sa M/V Filipinas Maasin na naka-dock sa port of Zamboanga del Norte.
Samantala, sinunog naman ng BOC sa Zamboanga ang 105 kahon ng smuggled cigarettes na may value na P1 M. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.