TINATAYANG aabot sa P10.5 milyon ang halaga ng pinsala na iniwan ng bagyong Vicky sa sektor ng agrikuktura.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ito ay inisyal na pagtaya lamang sa ilang bahagi ng Mindanao na lubhang naapektuhan ng bagyo.
Sa kabila nito ay tiniyak niya na may sapat na suplay ng bigas sa bansa dahil nakapag-ani na ang mga magsasaka bago pa tumama ang bagyo.
“Mayroon tayong sapat na bigas.. Mayroon pa rin naimbentaryo tayo na good for three months. Wala pong dapat ipangamba tungkol sa bigas,“ pagtitiyak ni Dar.
Tiniyak pa niya na ang mga apektadong magsasaka ay bibigyan ng ayuda, kabilang ang pamamahagi ng mga punla. Isasailalim din sila sa iba’t ibang programa ng Department of Agriculture (DA),
“Mayroon din kaming inihahanda, ‘yung identification ng mga agri damages doon sa mga naka-register at nagpa-enroll doon sa Philippine Crop Insurance System,” dagdag ng agri chief.
Comments are closed.