NAIS ni Baguio Rep. Mark Go na maibalik ang orihinal na panukalang budget ng Bureau of Corrections (BuCor) para sa susunod na taon.
Sa original proposed budget ng BuCor na P10.2 billion para sa 2021, P3.55-B lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).
Ang ibinigay na pondo ng DBM sa ahensiya ay 16.29% na mas mababa kumpara sa kasalukuyang budget ng BuCor na nasa P4.24-B.
Aminado si BuCor Dir. Gen. Gerald Bantag na maaapektuhan ng budget cut ang pagtatayo nila ng dagdag na detention facilities, partikular na ang regionalizing ng penal farms.
Bahagi din, aniya, sana ng pondo ang paglilipat ng mga persons deprived of liberty (PDLs) upang ma-decongest ang New Bilibid Prison (NBP) ngayong may COVID-19 pandemic.
Inamin din ng BuCor na mahigit 49,000 ang PDLs na nakakulong sa kanilang pasilidad gayong ang kapasidad lamang ng kanilang mga imprastraktura ay para lang sa 11,000 PDLs. CONDE BATAC
Comments are closed.