P10-B MODERNIZATION PLAN APRUB SA NFA COUNCIL

INAPRUBAHAN ng National Food Authority (NFA) Council ang P10-billion modernization plan upang palakasin ang kapasidad ng ahensiya na magproseso at mag-imbak ng locally procured rice para pataasin ang buffer stock nito.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., tutugunan ng modernization plan ng NFA ang isa sa pinakamalaking problema ng rice industry — ang kawalan ng bansa ng sapat na post-harvest facilities.

Mula sa 80% drying capacity noong mid-1980s, sinabi ni Tiu Laurel na bumaba ito sa 5% dahil sa tumataas na  produksiyon at kawalan ng investments sa mga bagong pasilidad.

Ayon sa DA chief, ang P10 billion fund ay bahagi lamang ng tinatayang P93 billion para sa post-harvest capacity upang maabot ang 90%.

Aniya, ang naturang  dryers, rice mills, warehouses at silos ay itatayo sa major rice production areas.

Dagdag pa niya, ang mga proyekto ay popondohan ng national government budget para ngayong taon.