P10-B PINSALA SA AGRI, INFRA NI ‘ULYSSES’

NDRRMC-2

UMABOT na sa P6.1 bilyon ang pinsala sa imprastruktura ng bagyong Ulysses, ayon sa National Disaster Risk Reduction on Management Council (NDRRMC).

Sinabi ni NDRRMC spokesman Peter Paul Galvez na pumalo naman sa P4 billion ang pinsala sa agrikultra ng bagyo na nanalasa sa ilang lalawigan sa Luzon noong nakaraang linggo.

“We have reached now a damage assessment worth now P4 billion for agriculture and P6.1 billion in infrastructure damage assessment,” sabi ni Galvez sa isang press briefing.

Aniya, may kabuuang 65,222 bahay rin ang winasak ni ‘Ulysses’.

“Most of the damaged houses are in Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija and Pampanga. Both ‘yung totally and partially destroyed houses… Bulacan kasi as of today, the current count is 2,655 totally damaged houses,” ayon kay Galvez.

 

Comments are closed.