SISIYASATIN ng Mababang Kapulungan ang inilaan na P10 bilyon na budget ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2019 midterm election.
Sa House Resolution 2562, aalamin ng Kamara kung saan napunta ang bilyon-bilyong pondo at ang dahilan ng sa kapalpakang nangyari nitong nakaraang eleksiyon.
Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, sa susunod na linggo ay magsasagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Public Accounts at Oversight tungkol dito.
Base sa mga nakarating na impormasyon sa kanila, ang inaprubahang budget ng Kongreso para sa pagbili ng SD cards ay P90 million ngunit ang nanalo sa bidding ay nasa P29 million lamang.
Kinuwestyon din ni Suarez ang 961 vote counting machines mula sa 85,000 na VCMs na ibinigay ng Smartmatic na nasira habang 1,665 SD cards naman ang na-corrupt at ni-reject ng makina.
Pinasisilip din sa imbestigasyon ang umiiral na polisiya sa procurement process upang matiyak na de kalidad ang mga makukuha na election supplies sa 2022 national elections. CONDE BATAC
Comments are closed.