MAKAPAGBIBIGAY sa mga magsasaka bilang bayad para sa nakikitang pagbaba ng kanilang kita na manggagaling sa panukalang rice tariffication ang implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) o Rice Fund.
Sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa isang panayam kamakailan na ang panukalang PHP10-billion RCEF “is very critical to achieve growth in agriculture.”
Dahil dito, sinabi niya na dapat ito ay mai-release bago dumating ang pagtatanim sa Marso para ang mga magsasaka ay makapagtanim ng tama sa oras.
Ang panukalang rice tariffication law, na naghihintay na lamang ng pirma ni President Rodrigo R. Duterte ay magpapabago sa 1996 Agricultural Tariffication Act na maglalagay ng quantitative restrictions sa pag-angkat ng bigas. Sa halip, ang bigas ay puwede nang maangkat ng maluwag hangga’t bayad ang tamang taripa.
Ang pamamaraan ay makapagbibigay rin ng PHP10-billion Rice Fund para sa alokasyon tulad ng sumusunod:
1) 50 porsiyento ay mapupunta sa Philippine Center for Postharvest Development and Modernization (PhilMech) para maka-pagbigay sa mga magsasaka ng rice farm machineries and equipment;
2) 30 porsiyento ay i-re-release sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice) para magamit sa development, propagation at pagtataguyod ng inbred rice seeds sa rice farmers at sa organisasyon ng rice farmers sa asosasyon ng seed growers na naka-engage sa produksiyon ng binhi at kalakal;
3) 10 porsiyento ay magiging laan bilang isang uri ng credit facility na may minimal interest rates at may minimum collateral requirements sa rice farmers at kooperatiba na pamamahalaan ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines; at
4) 10 porsiyento ay itatabi para pondohan ang extension services ng PhilMech, Agricultural Training Institute (ATI), at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa teaching skills ng rice crop production, modern rice farming techniques, seed production, farm mechanization, at pagbibigay kaalaman/ teknolohiya sa pamamagitan ng farm schools sa buong bansa.
Sinabi ni Piñol, na ang PHP10-billion RCEF, na makapagpapagana sa mga magsasakang Filipino na mag-export ng kanilang bigas sa ibang bansa ng may competitive price levels, ay ipatutupad taon-taon sa susunod na anim na taon. PNA
Comments are closed.