P10-B TOURISM INFRA FUND IDINEPENSA

Rep Johnny Pimentel

IPINAGTANGGOL ng ilang ranking officials ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang paglalaan ng P10 bilyong pondo para sa tourism infrastructure, na bukod pa sa P51 bilyong credit facilities para sa local tourism businesses, workers at iba lang stakeholders sa ilalim ng ‘Bayanihan to Recover as One Act 2’ o Bayanihan 2,

Tahasang kinontra ni Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang pahayag ng Department of Tourism (DOT) at iba pang tourism stakeholders na hindi dapat maging prayoridad ng pamahalaan ang tourism infrastructure sa layuning muling buhayin at pasiglahin ang turismo ng bansa.

“It is unfortunate that Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat herself does not want to prioritize the infrastructure needs of most of the beautiful sites in the far-flung provinces in the country,” sabi ng Mindanaoan lawmaker.

“Iniimbitahan ko ang ating butihing kalihim na bumisita siya sa mga malalayong lugar para makita niya ang problema. Mahirap kasi kung nagpapalamig lang sila sa opisina nila sa Manila, talagang hindi nila makikita ang mga kakulangan,” dagdag niya.

Sinabi ni Pimentel na karamihan sa mga tourist spots sa probinsya ay kulang sa access road, walang comfort rooms, at kulang sa facilities kung kaya marapat lamang na mapondohan ang tourism infrastructure upang hindi rin mapag-iwanan ang Filipinas ng ibang mga bansa sa pagpapasigla ng kani-kanilang tourism industry.

Sa panig ni House Committee on Public Accounts Vice-Chairman at Kabalikat ng Mamamayan (Kabayan) Partylist Rep. Ron Salo, hinimok niya ang tourism stakeholders at business owners na kontra P10 bilyong pondo para sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), na isaalang-alang ang tunay na pangangailangan na maiahon ang sektor ng lokal na turismo at ang pangkalahatang pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.

“It is unfair for capitalists and big industry players to take advantage of their network and connections and pretend to be concerned about the industry when none of the consultations conducted by the Department of Tourism (DOT) involved workers, employees, and small industry players,” sabi ni Salo.

Para naman kay House Committee on Tourism Chairperson at Laguna 3rd Dist. Rep. Sol Aragones, hindi dapat mag-alala ang tourist enterprises at workers dahil sa ilalim ng Bayanihan 2 ay may P51-bilyon na pautang para sa kanila ang iba’t ibang government financial institutions (GFIs), bukod pa sa ibubuhos na P10-B tourism infra fund ng Duterte administration.          ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.