KAPWA tiniyak na dalawang mataas na opisyal ng Kamara na may direktang tulong na matatanggap mula sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng nasa local tourism businesses, kasama na ang kani-kanilang mga empleyado, na labis na naapektuhan ang paghahanapbuhay ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay House Committee on Good Governance and Public Accountability Chairman at Bulacan 1st Dist. Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, sa inaprubahan nilang “Bayanihan to Recover as One” Act o ang Bayanihan 2 ay nakapaloob ang mekanismo sa pagpapautang ng iba’t ibang government financial institutions (GFIs) para sa lahat ng mga negosyo at manggagawa ng local tourism sector.
Bukod dito, binigyan-diin ng Bulacan province solon ang paglalaan nila ng P10 bilyong ‘working capital’ para sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), na siyang infrastructure arm ng Department of Tourism (DOT).
“This fund will unlock development in the tourism industry by boosting infrastructure and providing establishments the opportunity to work on tourist sites often neglected and lacking in facilities such as access roads, restrooms, and accommodation facilities,” paliwanag ni Sy-Alvarado sa nasabing budget para sa TIEZA.
“We value the tourism industry as much as we value all other sectors in the country, which is why aside from the P10-billion fund allocated for tourism infrastructure, we also allocated P51 billion to GFIs that can easily provide access to credit and loan programs to MSMEs, including small-scale tourism-oriented enterprises accredited by local government units,” dagdag pa niya.
Sa panig ni Deputy Speaker at Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund ‘LRay’ Villafuerte Jr., sinabi niya na dalawang pamamaraan ang hatid ng Bayanihan 2 sa layuning muling buhayin at palakasin ang turismo sa bansa; una ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng credit facilities sa tourism enterprises and workers at pangalawa naman ay ang pagpapagawa ng maayos at kinakailangang tourism-related infrastructures.
“The tourism workers and the tourism enterprises serve as the backbone of our tourism industry. Hence the government will definitely give them priority in the credit facilities and other programs provided under the Bayanihan II,” anang Bicolano lawmaker.
Ani Villafuerte, marapat na makapaglatag din ang gobyerno ng nararapat na tourism infrastructure projects at samantalahin ang panahon ngayon na hindi fully operational ang karamihan sa tourist destinations ng Filipinas bunsod ng nararanasang pandemya, para gawin ang mga proyektong popondohan sa ilalim ng P10-B budget na ibibigay sa TIEZA.
“By providing adequate investment in the tourism sector, we will aim not only for its survival but for its overall recovery and regeneration,” sabi pa ng mambabatas. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.