P10-K SAHOD SA JOB ORDER EMPLOYEES NG MANDALUYONG

INIHAYAG si Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr., na tatanggap ng buwanang sahod na P10K ang mga empleyado simula sa Setyembre1.

Ayon kay Abalos, kinausap na nito ang City Council at City Budget Department para pondohan ang suweldo ng mga mayroong job order na empleyado ng lungsod.

“I was saddened when I heard that we have job order emplo¬≠yees who are still receiving something like P265 a day. They’re not just our street sweepers and traffic enforcers but also the employees reporting here at offices in the city hall,” anang alkalde.

“They only receive such daily wage and have to commute to work and come in uniform so I didn’t want to force them to wear uniforms,” Abalos added. “That’s why I’m thankful to our City Council and budget department that we are able to come up with measures to raise the salaries of job order employees of the city,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Abalos na karamihan sa city government job order employees ay nagtatrabaho bilang frontliners na dapat pagmalasakitan o kilalanin ang kritikal nilang trabaho. ELMA MORALES