P10-M BONUS TINANGGAP NI HIDILYN MULA KAY RSA

Ramon Ang

HINAMON ni San Miguel Corporation (SMC) president Ramon S. Ang si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na magtangka para sa isa pang gold medal, tatlong taon mula ngayon sa Paris, kung saan ipagdiriwang ng Pilipinas ang ika-100 taong paglahok nito sa quadrennial meet.

Ayon kay Ang, tangan ang momentum at mataas pa rin ang kumpiyansa makaraang makopo ang kauna-unahang gold medal ng bansa sa Olympics, ang   30-year-old weightlifter ay may kakayahang magwagi ng isa pa sa 2024 edition na gaganapin sa France.

“Hidilyn is the country’s trailblazer in our successful Olympic gold medal quest. After years of heartbreaks, she came through for us and we are very thankful as a nation. We encourage her to go for another gold and inspire more athletes to believe that they can achieve more,” sabi ni Ang.

“Her victory comes at a very crucial point in our country’s history when we are grappling with a pandemic and a lot of Filipinos are looking for hope as we fight this virus and cope with the difficulties it has brought,” dagdag pa niya.

Personal na ipinagkaloob ni Ang kay Diaz, Ginebra San Miguel brand ambassador mula noong 2019, ang P10 million check, bilang kanyang personal na regalo sa pagwawagi nito ng gold. Bukod kay Diaz, tatanggap din sina boxers Carlo Paalam at Nesthy Petecio ng tig-P5 million mula kay Ang sa pagwawagi ng silver medals, habang P2 million ang ipagkakaloob kay bronze medal-winning boxer Eumir Marcial.

Sinabi ni Ang na sa kabila ng mga insentibo na tinanggap ni Diaz ay nais niyang makatulong na masiguro na magkakaroon ng steady at sustainable source of income ang Olympic gold medalist at kanyang pamilya.

Kaya bukod sa P10 million incentive, bibigyan din ng Ang si Diaz ng dalawang Chick ‘N Juicy chicken rotisserie franchise outlets mula sa San Miguel Foods, Inc. Ang isang outlet ay matatagpuan sa Eastwood City sa Libis habang ang isa pa ay itatayo sa kanyang home province na Zamboanga.

“We know that after winning the Olympic gold, there’s a downpour of incentives both from the government and the private sector for Hidilyn and our other Olympic medalists the past few weeks. My advise to her is of course to be smart with her finances–to spend and invest wisely, and to plan for the future,” ani Ang.

“With the franchise outlets, we will assist Hidilyn every step of way in her journey as an entrepreneur so that she can also help other people in need of jobs. In addition to the physical stores, equipment, and training, we will also provide the initial stocks for free to get her started,” dagdag pa ni Ang.

5 thoughts on “P10-M BONUS TINANGGAP NI HIDILYN MULA KAY RSA”

Leave a Reply

Your email address will not be published.