P10-M DAGDAG AYUDA SA ITOGON NG NHA

NHA General Manager Marcelino Escalada Jr

BENGUET – DINAGDAGAN ng National Housing Authority (NHA) ng P10 milyon ang kanilang tulong sa mga nabiktima ng Itogon landslide noong isang buwan.

Sinabi ni NHA General Manager Marcelino Escalada Jr, ang halaga ay ilalaan bilang pambili ng lote para sa itatayong resettlement site sa mga pamilya na biktima ng Bagyong Ompong.

Una nang umapela si Itogon Mayor Victorio Palangdan na sana ay magkaroon ng lupang pagtatayuan ng resettlement sa mga biktima ng paglindol.

Maaalalang nagbigay ang NHA ng P10 million para pambili ng mga housing material na gagamitin ng beneficiaries sa kanilang pagpapatayo ng mga bagong bahay.

Gayunman, pinag­desisyunan nila na bigyan na lamang ang mga biktima ng ka­ragdagang P10 million at sa bisa na rin ito ng kautusan at permiso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinamantala naman ng mga barangay official sa Itogon na humingi ng tulong para mapondohan ang pagsasaayos ng mga nasirang imprastruktura gaya ng waterworks at mga daanan ng mga tao. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.