P10-M HIGH GRADE MARIJUANA NASABAT SA NAIA

NA-INTERCEPT sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng pinagsanib na mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at PDEA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang dalawang inco­ming parcels mula sa United States na tumi­timbang ng 7,154 kilograms ng high grade Marijuana Kush na tinatayang aabot sa P10,015,000.00 milyon ang halaga.

Ayon sa impormas­yon, idineklara ang mga ito bilang “Herbal Tea” at ipinadala ng Ohio Tea Company sa isang nagngangalang Alfredo Roa, residente ng Tambo, Paranaque City.

Ang unang parcel na naglalaman ng limang foil packs kung saan may tatak  na Jasmine Pearls Green Tea ay naglalaman ng 3,570 gramo ng high grade marijuana na may street value na aabot sa P4, 998,000.00 milyon.

At ang isa pang parcel na may tracking number USPS 927013612462 16176826480266 ay idineklara bilang herbal tea ay naglalaman ng 3,584 kilograms ng high grade marijuana na tinatayang aabot sa P5,017,000.00 milyon ang halaga.

Ang mga droga ay agad na nai-turn over sa mga tauhan ng PDEA at piniprepara ang kaso laban sa consignee dahil sa paglabag ng RA 9165 o kilala sa tawag na Dangereuos Drug Act 2000.

FROILAN MORALLOS