P10-M MEAL ALLOWANCE NG SUNDALO IDINONATE SA QUAKE VICTIMS

Ramon Zagala

FORT BONIFACIO – NAGBIGAY rin ng tulong ang Philippine Army  sa mga apektado ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Lt Col Ramon Zagala pondo para sa dalawang meals ng bawat miyembro ng Philippine Army na nagkakahalaga ng P100 ang ibinigay na tulong ng mga ito.

Ang bawat Army ay may meal allowance na P150 kada araw.

Mayroong 97,000 mi­yembro ng Philippine Army at kung susumahin ang kabuuang donasyon ay aabot sa P9.7 milyon.

Bukod sa donasyon ay patuloy na tumutulong ang Philippine Army sa ginagawang Humanitarian Assistance and Disaster Response Operations sa Cotabato at iba pang lugar sa Mindanao na naapektuhan ng lindol. REA SARMIENTO

Comments are closed.