UMAPELA si Senador Panfilo Lacson kay Pangulong Duterte na gamitin na lang sa research and development (R&D) ang P10 milyon sa halip na gamitin reward sa makakaimbento ng bakuna laban sa COVID-19.
Sa pahayag ni Lacson sinabi nito na mas mabuti na maglaan ng pondo sa R&B ang gobyerno dahil ang nakalaan lamang umano dito ay 0.4 percent ng annual appropriations.
Kahit na taasan umano ang porsiyento ng R&D sa 1 o 2% ng national budget ay malaking bagay na ito.
“We only need to look how much the most prosperous countries spend on R&D to see why we are among the laggards” , giit ni Lacson.
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Duterte na magbibigay siyang reward na P10 milyon sa sinumang makaka imbento ng gamot o bakuna para sa COVID-19.
Sinabi naman ni Presidential spokesperson Harry Roque na bukod sa P10 reward ay magbibigay ang Pangulo ng “substantial grant” UP-PGH para sa paggawa ng bakuna . VICKY CERVALES
Comments are closed.