TINATAYANG nasa P10 milyong halaga ng droga ang nasamsam ng magkasanib na puwersa ng Marikina PNP at District Special Operation Unit (DSOU) sa isang vendor kamakalawa ng gabi sa Marikina City.
Kinilala ni Col. Gerson Visayas, hepe ng Marikina PNP ang suspek na si Habib Pangalian y Ampuan, 32-anyos, may-asawa ng Real St., Brgy., Fortune ng nasabing lungsod.
Base sa inisyal na ulat, dakong alas-10 ng gabi nagsagawa ang anti – illegal drugs operation ng magkakasanib na puwersa ng Marikina PNP, EPD, District Drug Enforcement Unit, District Intelligence Division, District Special Operation Unit at DECU sa McDonald Avenue, Brgy., Sto. Nino, Marikina kung saan nasakote ang suspek.
Narekober ng operatiba rito ang 21 piraso na transparent plastic sachet na tumitimbang ng 1.5 kilo ng shabu at nagkakahalaga ng P10, 200,000.00; P1,000 buy bust money; 50 tig-isang libong boodle money at isang tricycle na gamit ng suspek sa illegal na transaksyon ng droga.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng pulisya at sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. ELMA MORALES