P10-T PARA SA HOUSING BACKLOG

NHA-2.jpg

MANGANGAILA­NGAN ang pamahalaan ng P10 trilyon para masolusyunan ang problema sa pabahay sa bansa.

Sa pagdepensa sa 2019 budget ng National Housing Authority (NHA), sinabi ni  Quezon City Rep. Alfred Vargas na kailangang buhusan na ng malaking pondo ang ahensiya para matapos na ang suliranin sa pabahay.

Ayon kay Vargas, aabot sa 3.6 million ang housing backlog o kakulangan sa housing units sa buong Filipinas.

Pero sa kabila ng problema sa kakulangan sa housing units, binawasan pa ng 88.94% ang pondo ng NHA.

Iminungkahi ni Vargas na kung ganito ang sitwasyon ay dapat na pumasok ang NHA sa partnership sa pribadong sektor.   CONDE BATAC

2 thoughts on “P10-T PARA SA HOUSING BACKLOG”

  1. 439816 919088if the buffalo in my head could speak german i would not know a god damm thing. What i do know is that the language of art is out of this world. 649693

Comments are closed.