KAKAILANGANIN ng pamahalaan ng Filipinas ng hanggang P100 billion upang i-rehabilitate ang mga lugar na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal, ayon sa isang kongresista.
Sinabi ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na mula P60 billion hanggang P100 billion ang dapat ilaan para mapabilis ang rehabilitasyon.
Aniya, hihiling ang Kamara ng karagdagang pondo dahil hindi makasasapat ang P16-billion calamity fund o ang National Disas-ter Risk Reduction and Management Fund sa 2020 national budget.
Kaugnay nito ay nanawagan si Salceda sa mga kapwa niya mambabatas na madaliin ang pagpasa sa isang bill na lumilikha sa Department of Disaster Resilience (DDR), na magiging pangunahing ahensiya na responsable sa disaster preparedness, preven-tion, mitigation, response, recovery at rehabilitation.
Ang mga ahensiya sa ilalim ng DDR, na kabibilangan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ay magiging bukas sa pagsusuri ng publiko.
Sa gitna ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Taal ay hinikayat ng kongresista ang mga kinauukulang ahensiya na magpatupad ng ‘no-build zone’ policy sa paligid ng lugar. Hiniling din niya sa publiko na makipag-ugnayan para sa pagsagip sa mga stranded na hayop sa isla. CONDE BATAC
Comments are closed.