KINUWESTIYON ni Puwer¬sa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Jericho Nograles ang paniningil umano ng Grab Philippines sa mga pasahero nito ng ‘booking fee’ na P100 kada biyahe.
Ayon kay Nograles, nakatanggap siya ng reklamo mula sa mga mananakay na naniningil ang Grab ng P100 nang walang pahintulot ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
“Grab is again trying to usurp the power of the LTFRB to set and implement fare standards after coming out with a new scheme which puts their booking fee at P100 per trip,” anang kongresista.
Aniya, ang naturang fee ay makikita sa fare breakdown na ipinopost ng Grab, subalit ibinabawas bilang promotional discount.
“To mask this unauthorized charge, Grab is giving P100.00 discounts,” ani Nograles.
Sa kabila nito, iginiit ng kongresista na dapat pa ring managot ang Grab dahil sa wala sa panahong paniningil sa mga consumer nito.
Samantala, nanawagan si Nograles sa LTFRB na maging patas sa pagpapataw ng multa sa lahat ng uri ng public transport, kabilang ang transport network companies (TNCs) gaya ng Grab.
“LTFRB threatens drivers who overcharge by one peso, yet treat with kid gloves the multi-billion company that has been caught lying many times,” ani Nograles.
Tinukoy niya ang Joint Administrative Order no. 2014-01 na nagsasabing “TNCs like Grab Philippines can be charged the same way as jeepneys where each violation constitute one offense.”
Giit ng mambabatas, wala dapat kinikilingan ang batas lalo na’t ang mga maaapektuhan ay ang mga jeepney driver na barya-barya lamang ang kinikita.
Comments are closed.